Pangyayari noong umaga ng July 20, 2013. Alas-otso, magang-maga pa ang mukha ko sa himbing ng pagkakatulog nang "KRIIINNGGGG KRIIINNNNGGG (walang humpay)" "Hellloww, ggoood morniing!" sabi ko sa aking pinakamagandang bedroom voice, "Sir, pasensya na po, kumakatok po kasi ako sa kwarto nyo kanina, di po kayo nagigising, may nagpadala po ng pagkain, dalhin ko po sa kwarto nyo ngayon ", sabi nya "Wow, Talaga?! Salamat!", sabi ko. TOK TOK TOK, ayan na ang babaeng nakausap ko sa telepon...dala dala ang... tadaaaaan... PANGKABUHAYAN SHOWCASE!!! Dali-dali ko itong tiningnan isa-isa dala ng galak at katakawan. At nung nakita kong may naka-foil, naisip ko agad, "WOW... At may burger pa!" ngunit ng buksan ko ang nakafoil na mukhang burger, tadaaaann... Isa itong napakalaking tipak ng KANIN!!! Bumalik ako sa aking pagkakahiga na maluha luha, masaya sa natanggap na pagkain, nagpapasalamat, naiiyak dahil ang daming kanin (sana cash na lang hahahahaha), at itong luhang ito, ito-ito yung luha na kapag natuyo...MUTA. Maraming salamat sa pagkain!!!